Şubat 07, 2020

6cyclemind - Kailanman



Dumating na ang bagong araw
Salubungin nating dal'wa
Sa bawat bukas na darating
Tayo'y may pag-asa

Makulay ang ating buhay
Minsa'y puno ng pagsubok
Lahat ito'y lilipas din
Tadhana'y matatanaw

Hawakan mo'ng aking kamay
Sabay tayong maglalakbay
'Wag ka nang mangangamba
Landas nati'y iisa

Kailanman, ako'y sa 'yo lamang
Kailanman, ang pangako ko sa 'yo'y
'Di na mababago kailanman

Sa tuwing ako'y nalulumbay
Ginhawa ang 'yong ibinibigay
Ilaw ka sa kadiliman
Kulay ka ng aking buhay

Hawakan mo'ng aking kamay
Sabay tayong maglalakbay
'Wag ka nang mangangamba
Landas nati'y iisa

Kailanman, ako'y sa 'yo lamang
Kailanman, ang pangako ko sa 'yo'y
'Di na mababago kailanman

Oh oh
Oh oh

Kailanman, ako'y sa 'yo lamang
Kailanman, ang pangako ko sa 'yo'y
'Di na mababago kailanman



Writer(s): Isidro Carlos





album: "Panorama" (2005)

4 Years, 9 Months
Sandalan
I
Clown
Collide
Online
Di Tayo Titigil
Naghihintay
Umaasa
Away
Touch
Landas
Kailanman
Trip
Sige (Acoustic)

Hiç yorum yok:

Yorum Gönder